How to Identify an Illegal Recruiter?

  • Agad naniningil ng placement fee o anumang kaukulang bayad nang walang resibo.
  • Nangangako ng madaliang pag-alis patungo sa ibang bansa.
  • Nagre-require agad ng medical examination o training kahit wala pang malinaw na employer o kontrata.
  • Nakikipag-transaksiyon sa mga aplikante sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurant, mall, atbp. at hindi sa opisina ng lisensyadong ahensiya.
  • Bahay-bahay kung mag-recruit ng mga aplikante.
  • Hindi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa ina-aplayang trabaho.
  • Nagsasabi na may kausap na direct employer at ang mga aplikante ay di na kailangang dumaan sa POEA.
  • Nangangako ng mabilis na pag-alis ng aplikante gamit ang tourist o visit visa.
  • Walang maipakitang employment contract o working visa.
  • Nagpapakilala na empleyado ng isang lisensyadong recruitment agency ngunit walang maipakitang ID.
  • Nanghihikayat sa mga aplikante na mangalap ng iba pang aplikante upang mapabilis ang pagpapaalis.
  • Walang maibigay na sapat at tamang impormasyon tungkol sa sarili tulad ng buong pangalan o address.
  • Nangangako na ang mga dokumento ay ipapasok sa POEA para mai-process (lalo na sa kaso ng EPS-Korea).
  • Hihikayatin ka dahil nakapag-paalis na ng isa o higit pa gamit ay tourist visa .